Pagkatapos ng medyo matagal na bakasyon ng PBA, nagbabalik na ang ating mga idol sa court para magbigay ng exciting at magandang laban. Ngayong araw, Marso 8, 2020 ay magsisimula ang PBA Philippine Cup.


Ito ang ika-45 na season ng PBA simula ng magumpisa ito noong taong 1975. Ang unang laban which is between the defending champions San Miguel Beermen at runner up Magnolia Hotshots Pambansang Manok ay magaganap sa ganap na ika-7:30 PM ng gabi.

Ibibigay din ang Leo Awards para sa nakaraang season bago magsimula ang laban. Para manood ng laban maaari kang manood sa TV5, PBA Rush, o sa official FB account ng PBA. Maaari ring gamitin ang streaming sa baba!



Ang streaming na ito ay pag-aari ng TV5 at hindi po ito pag-aari ng website na ito. Kung ikaw man ay isang OFW, o Pilipino na naninirahan abroad pwedeng pwede mo itong mapanood ng libre. Tiyakin lang siyempre na mabilis ang iyong internet connection. Kung ikaw man ay isang lokal na Pilipino ay pwede mo rin ma-access ang stream sa taas.

Ang live ay pwedeng mapanood gamit ang inyong mobile phone, tablet, laptop o desktop computer. Kung magkaproblema sa streaming mag-comment lamang po sa baba. Nasaan ka man sa mundo pwedeng pwede mong mapanood ang PBA.