Hindi naging problema ng San Miguel Beermen ang pagkawala ng kanilang main man na si June Mar Fajardo sa kanilang unang laro para sa 2020 PBA Philippine Cup kontra sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Tinambakan ng Beermen ang Hotshots sa iskor na 94-78.

Mo Tautuaa - SMB center

Nanguna sa SMB sila Moala Tautuaa na umiskor ng 20 puntos, sinundan ni Terrence Romeo na may 19 puntos, at Arwind Santos na may 18 puntos.

Kapwa gumawa ng double-double performance sila Santos at Tautuaa kung saan sumungkit sila Santos ng 15 rebounds, samantang 11 naman kay Tautuaa.

Ganun din ang ginawa nila Ian Sangalang at Jackson Corpuz ng Hotshots. Umiskor ng 16 puntos at 11 rebounds si Sangalang, samantalang 16 na puntos at 13 rebounds naman para kay Corpuz. Pinangunahan ni Paul Lee ang mga Manok sa pag-iskor ng 19 puntos.

Sa kabuuan nakapagtala ang Magnolia ng 55 rebounds, 22 assists, at 22 turnovers. Samantalang 42 rebounds, 25 assists, at 19 TOs naman para sa Beermen.

Labindalawang tres ang ipinasok ng SMB sa laro kumpara sa anim lamang para sa Hotshots.

See the complete Box score below:

SMB - 94
Tautuaa 20, Romeo 19, Santos 18, Lassiter 17, Cabagnot 10, Ross 4, Zamar 3, Escoto 3, Pessumal 0, Comboy 0, Gamalinda 0

Magnolia - 78
Lee 19, Sangalang 16, Corpux 16, Jalalon 8, Barroca 8, Simon 4, Melton 3, dela Rosa 3, Banchero 1, Pascual 0.